Saturday, June 6, 2009

Madyik Madyik!!  

3 comments

Lapit lapit! Mga gustong makakita ng madyik madyik! Isang madyik na upang lubusang makilala nyo ang inyong mga sarili.

Simulan na natin.

> Huminga ng malalim at sabihin ang sumusunod. Namnamin ang pagbigkas ng mga salita.

ahhh
baygahh
gopalahh
KOH! (bahagyang isigaw ang huling salitang ito)

> Ulit ulitin ang mga salita ng pabilis ng pabilis (12 beses na pabilis) at magigising ka na sa katotohanang hindi mo alam n ganun ka pala.

Please comment po kung ano yung narealize nio after this session.

----->> Ikaw ay Na-BLAGG!

Sunday, May 24, 2009

Award!!!yahung yahu!!!  

0 comments



Ang dami ko award noh???hahaha!!! Bigay sa akin ni kuya ck_leick ng Beyond Crypticness..
Salamat kuya..
Na-BLAGG! kita!!!

Friday, May 22, 2009

Maikling Kwento  

0 comments

In english- Short Story

Ang kwento pong ito ay para lamang sa mga bata, kabataan, isip-bata, nagbabata-bataan, height na parang bata, o walang ngipin na parang bata.

Isang gabi, madilim na madilim, napakadilim, natutulog na ang lahat. Maliban sa dalawang nilalang. Ang bata at ang kapitan. Ang sabi ng bata, "Kapitan, kapitan, magkwento ka nga". At nagkwento ang kapitan.

Isang gabi, madilim na madilim, napakadilim, natutulog na ang lahat. Maliban sa dalawang nilalang. Ang bata at ang kapitan. Ang sabi ng bata, "Kapitan, kapitan, magkwento ka nga". At nagkwento ang kapitan.

Isang gabi, madilim na madilim, napakadilim, natutulog na ang lahat. Maliban sa dalawang nilalang. Ang bata at ang kapitan. Ang sabi ng bata, "Kapitan, kapitan, magkwento ka nga". At nagkwento ang kapitan.
Itutuloy...
---
Bitin ka ba?
Abangan ang ikalawang bahagi.

--->

Ikaw ay Na-BLAGG!

Wednesday, May 20, 2009

Ang Bayabas! BOW!  

2 comments

May isang tula sa aking nakaraan na hanggang ngayon ay hindi ko nalilimutan. Ang tulang ito ay itinuro sa akin ng isang kaibigan at kaklase noong ako ay nasa elementarya pa lamang. Siguro, ang ilan sa inyo ay alam din ang tulang ito. Para sa mga hindi nakakaalam nito, masasabi kong hindi kumpleto ang araw nyo noong nasa elementarya pa lang kayo. Para po ito sa inyong lahat. Sana magustuhan nyo.

Ang Bayabas.. BOW!

Noong unang panahon,
di pa uso ang bigas.
Kinakain nila'y
bubot na bayabas.
Pagdating ng hapon,
unahan sa kasilyas.
Duguan na ang puwit
Di pa rin lumalabas.

BOW!

-->

Ang kasilyas nga pala ay yung mga sinaunang kubeta. Yung tinatawag nilang drop down. Hehe! Sana nakuha nyo.

-->

Ikaw ay Na-BLAGG!!!

Monday, May 18, 2009

Tips Para Sa Mahimbing Na Pagtulog  

2 comments

Ang pagtulog ay isang bagay na napakahirap gawin para sa mga taong may madalas dalawin ni insomia.

Para sa hindi nakakakilala kay Insomia, siya ay isang napakakulit na nilalang na ayaw makakita ng taong tulog.

Narito ang ilang tips para maiwasan nyo ang pagdalaw ni Insomia sa inyong mga silid tulugan:

  1. Ito ang una at pinakamahalaga sa lahat. Matulog ng nakapikit ang dalawang mata. Wag na wag ka matutulog ng dilat ang mga mata mo o kahit isa sa mga mata mo ay nakadilat. Hangga't maaari, piliting matulog ng nakapikit ang parehong mata.
  2. Huminga lamang sa ilong kung wala namang sipon at hindi ito barado. Magiging komportable ka kung sa ilong ka hihinga. Gamitin lang ang bibig sa paghinga kung kinakailangan.
  3. Wag kang malikot! Ang pagiging malikot sa pagtulog ay maaaring maging dahilan ng iyong pagkagising. Iwasan na din ang pag-iinat at paghihikab.
  4. Maghilik kung kinakailangan. Pero wag masyadong malakas kasi baka ikagulat mo ito. Kung sakali namang madinig mo o maingayan ka sa iyong paghihilik, takpan mo ng unan ang iyong mukha.
  5. Wag mahiyang tumulo ang laway sa unan. Parte yan ng buhay kaya hindi dapat ikahiya. Pero kung may kasama ka sa pagtulog, iwasan mo ito dahil nakakahiya na.
  6. Wag managinip ng nakakatakot. Managinip lamang ng masaya at piliting tapusin ito sa abot ng makakaya.
  7. Wag magpakagat sa lamok para hindi magising sa kalagitnaan ng tulog. Mas mabuti kung pakiusapan mo na lang ang mga lamok bago ka matulog.
  8. Wag pakinggan ang tilaok ng manok o ang alarm ng alarm clock para hindi maabala sa paghimbing.
  9. Iwasan din ang pagtakbo o ang kahit na anong exercise habang natutulog. Maaaring magising ka pag ginawa mo ito.
  10. Hindi din makakabuti ang pagsakit ng tiyan, ulo, ngipin, o kahit anong parte ng katawan kapag natutulog. Pag nangyari ito, siguradong magigising ka at mahihirapan ng makatulog ulit. Kaya hangga't makakaya, piliting walang sasakit sa katawan.

Ilan lamang ang mga yan sa dapat tandaan para mapahimbing sa pagtulog. Nawa ay makatulong ang aking mga tips na base pa sa aking sariling karanasan. Maraming salamat po sa panahong iniukol nyo sa pagbabasa ng aking post.

---------->>>

Ikaw ay Na-BLAGG!!!

Unang Post!  

1 comments

Gusto ko sanang i-WELCOME ang sarili ko sa mundo na tinatawag nilang BLOGOSPHERE. Medyo nakakasawa na kasi ang friendster eh. Saka nainggit din ako sa mga blogger. Hehehe!!!



And blog kong ito ay pinamagatan kong Ka-BLAGG!. Wlala lang. Yan lang kasi ang unang pumasok sa isip ko. Buti na nga lang at available ang address na blaggspot.blogspot.com. Dahil kung hindi, mahihirapan akong mag-isip ng gagawing title.



Bakit nga ba Ka-BLAGG!? Simple lang. Parang nauntog lang. BLAGG! Ganun. Parang TOINKZZ!! Masakit pero nakakatawa. Ewan ko lang din. O baka ako lang ang natatawa sa mga ginagawa ko.