Monday, May 18, 2009

Tips Para Sa Mahimbing Na Pagtulog  

2 comments

Ang pagtulog ay isang bagay na napakahirap gawin para sa mga taong may madalas dalawin ni insomia.

Para sa hindi nakakakilala kay Insomia, siya ay isang napakakulit na nilalang na ayaw makakita ng taong tulog.

Narito ang ilang tips para maiwasan nyo ang pagdalaw ni Insomia sa inyong mga silid tulugan:

  1. Ito ang una at pinakamahalaga sa lahat. Matulog ng nakapikit ang dalawang mata. Wag na wag ka matutulog ng dilat ang mga mata mo o kahit isa sa mga mata mo ay nakadilat. Hangga't maaari, piliting matulog ng nakapikit ang parehong mata.
  2. Huminga lamang sa ilong kung wala namang sipon at hindi ito barado. Magiging komportable ka kung sa ilong ka hihinga. Gamitin lang ang bibig sa paghinga kung kinakailangan.
  3. Wag kang malikot! Ang pagiging malikot sa pagtulog ay maaaring maging dahilan ng iyong pagkagising. Iwasan na din ang pag-iinat at paghihikab.
  4. Maghilik kung kinakailangan. Pero wag masyadong malakas kasi baka ikagulat mo ito. Kung sakali namang madinig mo o maingayan ka sa iyong paghihilik, takpan mo ng unan ang iyong mukha.
  5. Wag mahiyang tumulo ang laway sa unan. Parte yan ng buhay kaya hindi dapat ikahiya. Pero kung may kasama ka sa pagtulog, iwasan mo ito dahil nakakahiya na.
  6. Wag managinip ng nakakatakot. Managinip lamang ng masaya at piliting tapusin ito sa abot ng makakaya.
  7. Wag magpakagat sa lamok para hindi magising sa kalagitnaan ng tulog. Mas mabuti kung pakiusapan mo na lang ang mga lamok bago ka matulog.
  8. Wag pakinggan ang tilaok ng manok o ang alarm ng alarm clock para hindi maabala sa paghimbing.
  9. Iwasan din ang pagtakbo o ang kahit na anong exercise habang natutulog. Maaaring magising ka pag ginawa mo ito.
  10. Hindi din makakabuti ang pagsakit ng tiyan, ulo, ngipin, o kahit anong parte ng katawan kapag natutulog. Pag nangyari ito, siguradong magigising ka at mahihirapan ng makatulog ulit. Kaya hangga't makakaya, piliting walang sasakit sa katawan.

Ilan lamang ang mga yan sa dapat tandaan para mapahimbing sa pagtulog. Nawa ay makatulong ang aking mga tips na base pa sa aking sariling karanasan. Maraming salamat po sa panahong iniukol nyo sa pagbabasa ng aking post.

---------->>>

Ikaw ay Na-BLAGG!!!

What next?

You can also bookmark this post using your favorite bookmarking service:

Related Posts by Categories



2 comments: to “ Tips Para Sa Mahimbing Na Pagtulog


  • May 18, 2009 at 11:54 PM  

    ganun???mai-try nga yan..hahaha


  • May 20, 2009 at 8:22 AM  

    (Wag managinip ng nakakatakot. Managinip lamang ng masaya at piliting tapusin ito sa abot ng makakaya.)> haha ! grabe dame kong tawa sa post mo haha !